May 24, 2009 – Japinoy’s 3rd Anniversary Celebration
Ang saya-saya ng araw na to! At dahil may hang-over pako hanggang ngayon ay ibblog ko xa. Haha.
Dapat ay ihahatid ako nila mama sa venue kaso masyadong mainit pa ng mga 1:30pm kaya ayaw pang lumabas ni mama. So sabi ko eh mag-MRT nalang ako para mahabol ko pa sina Ate Roxy sa Gateway. At para maisabay ko narin ang aming mga bisita pauwi. Hehe.
Gateway — Nag-text si Ate Roxy na kumakain xa sa Gateway kaya naman pagkababa ko sa Cubao MRT ay tumakbo nako papuntang Gateway. At dahil di pa xa nagrereply kung nasan xa ay inassume kong nasa food court xa kaya hinanap ko xa dun. LOL. Nag-reply si Ate Roxy at sinabi niyang nasa may MRT xa @_@ Haha. So takbo na naman ako pabalik…
Nung nasa may Farmers nako, tumawag si Ate Roxy at nagkasalubong kami! Kasama niya si boyps niya at si Tito MJ. After nun, pinuntahan ni Ate Roxy yung iba naming mga kasamahan, tapos kami ni Tito MJ eh pinuntahan si Jobelle-san sa may babaan ng MRT. Kaso wala si Jobelle-san dun. Mga ilang chorva rin ang lumipas bago namin nalaman kung nasan na talaga xa at naglakad/jog kami ni Tito MJ para puntahan xa. Hehe. Tapos, nagkita-kita na kami dun sa may tapat ng Dairy Queen.
Ayun, nakita ko ulit after a VERY LONG TIME sina Jen-san at Jed-san! ^_^ Tapos andun narin yung ibang newbies kaso nahihiya pakong kausapin sila. Hehe. So ayun, nagtalunan kaming mga fangirls at excited na bumalik ng Gateway para i-meet sina Carlo-san and his Japinoy officemates. ^_^
After nun, naglakad na kami papuntang sakayan ng jeep, having Carlo-san as our navigator. Salamat naman at nagkasya kami sa jeep, given na ang dami namin @_@ Sumabit na lang sina Carlo-san at Tito MJ >_< Ewan talaga namin kung saan ang place kaya wala kaming maisagot kay kuya jeepney kung saan kami bababa. Eventually ay bumaba kami sa may 15th Ave ata.
Naglakad na naman kami. Tapos nag-stop over sa Mini Stop nung sinabi ni Tito MJ na bibili lang xa ng inumin. Haaay aircon! Haha XDDDD
So ayun, natuwa kami nung naglakad ulit kami kasi malapit na kami sa venue. At ayun nga, nakita namin ang Japinoy banner! ^_^
Mga 1 hour late na kami nun. Pag pasok namin, registration, upo, kwentuhan. Ganun. XDDD Tapos start na! ^_^ Sinimulan ni Elvin-san at Cat-san ang event by singing ^_^ Hindi ko naman naintindihan pero carry lang
Tapos dun ko lang nalaman na ang Wai-gent pala ang pagbigkas ng username ni Elvin-san at hindi Wiiiii-gent. Hehe. Shame on me, ilang taon nakong member @_@ Come to think of it, onga no. Complete attendance kami nila Dan-san at Ate Dards sa lahat ng Annivs. XDDDD
Karaoke Contest – Ang first event ay Karaoke Contest. Ang unang contestant ay si maakusutipen-san. Mark Stephen pala real name niya, hence the katakana username. Anyhoo, he sang a CHEMISTRY song. Di ko alam yung kanta pero carry lang kasi maganda pagkakakanta niya ^_^
Next ay si Tito MJ, kinanta niya ang Konayuki ng Remioromen (1LoT OST). Hehe. Basta. Natatawa ako sa mga pangyayari before and during his performance :p
Tita Fei was sang after Tito Mj. XDDD Ang kanta niya ay Glamorous Sky ni Mika Nakashima (NANA movie OST; COMPOSED BY HYDE). Sorry kay Tita Fei kasi di ko napigilan ang sarili kong tumili-tili nung nakita ko name ni HYDE sa screen XDDD Hehe. Ganda ng boses niya ^_^ *futari aruita Glamorous Days*
And then, after ni Tita Fei ay si Dan-san naman XDDD Tulad nang kay Tito MJ ang comment ko rito. Haha. Pero ang kinanta niya ay Remioromen song din — March 9.
Tapos… after ni Dan-san, ang huling kumanta ay si Diane-san (ang may-ari ng house at tita ng chepar ni Gytha). Grabe, natahimik kaming lahat nung kumakanta xa. Ang cute ng boses niya at ang ganda pakinggan! ^_^ No wonder she won. XDDDD
Ayun, tapos pinalabas muna ang contestants after nun para makaboto kami ^_^ Dun ko lang din pala nalaman na kasama ako sa mga judge.
Warioware —- Yung next activity namin ay yung Warioware sa Wii. XDDDD Basta ito yung gagawin mo lang kung ano yung pinapagawa sayo. Haha. XDDDD Ayoko na masyadong i-kwento to dahil bitter ako at 7 points lang ako XDDDDD Adik si maakusutipen-san eh XDDDD
Japinoy Super Quiz — Natalo kami rito ^_^ Haha. Sorry teammates XDDD Adik si YuyaNoHime-san! ^_^
Human Bingo — Hindi nako umabot dito @_@
Basta ayun, enjoy ang event. Na-meet ko na ang mga parati kong nakakausap online tulad nila jen-chan, Joe Sanzou-san, emperorcaius-san, ashte-san, etc. XDDDD Nagulat pa ako kay tesha-san kasi nag-practice teaching daw xa sa UPIS nung Grade 4 ako. Haha. Friend niya dun yung adviser ko nung Grade 4 ako na si Sir Jonell at yung math teacher ni Ate na si Mam Bennagen. XDDD Wala lang. Small World talaga.
Ang food namin dun ay maki at yakisoba. Kaso sa sobrang dami kong nakuhang yakisoba at masakit ang ngipin ko eh binigay ko nalang kay Pakks. Mabuti naman at naubos niya ^_^
Ano pa ba? Katuwa kasi ang dami ring fangirls dun… Xempre given na si Jen-neechan, Jobelle-san, at Ate Roxy XDDD Nakisama rin sina yamapi michiko-san at YuyaNoHime-san. Natuwa naman ako kay YuyaNoHime-san kasi alam niya yung kantang Nanairo no Ashita ~brand new beat~ kaso di na namin nakanta kasi hindi nakikisama yung Kumyoung. Hehe.
Sayang nga lang at sinundo ako nila mama ng saktong 7pm @_@ Buti nalang at naabutan ko ang group pic. Hehe. Pero di ko naabutan ang Human Bingo at Awarding. At iba pang announcements >_<
May Japinoy cap na nga rin pala ako! ^^, Katuwa. Hehe. Wah. Tinatamad nako mag-type. O basta yun. Next year ulit! ^_^